Marahil ay pagod ka na. May takot at maraming katanungan kung may pag-asa bang nakalaan para sa iyo at sa iyong pamilya.
Halina at sumama sa isang virtual na interfaith gathering na pangungunahan ni Bishop Pablo Virgilio David, acting president ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP),kasama ang iba pang lider ng mga iba’t ibang relihiyon at pananampalataya,para sa nagkakaisang pagharap sa mas maliwanag at mabuting kinabukasan ng ating bansa sa kabila ng hamon ng isang pandemya.